Ticker

6/recent/ticker-posts

Advertisement

Shortcut Virus Removal on PC/Flash Drive (TAGALOG TUTORIAL)


Eto yung manual na paraan para matanggal yung shortcut virus.
Eto yung virus na pag sinaksak nyo flash drive nyo, nawawala ung files pagkatapos nagkakaroon ng isang shortcut na kaparehas ng name ng flash drive nyo, pag clinlick nyo ito, bubukas ang isang window na nandun na ung files nyo, at viola, may virus na rin ang pc nyo. (Wag na wag nyong icliclick ang shortcut para maaccess ung files nyo dahil magkakaroon ng virus pati pc nyo.)
FOR FlashDrive: (Pwede din yung attrib sa google, or folder options. para sakin folder options para hndi na lumabas yung mga hindi naman dapat lumabas.)
1.) Punta ka sa flash drive mong may virus. (Wag sa autoplay, itype nyo ung drive letter sa address bar.)
2.) Punta ka sa Folder Options (Iba ibang paraan depende kung ano windows OS nyo.)
3.) View Tab tapos click nyo: Show hidden files and folders at uncheck nyo yung: Hide protected operating system files.
4.) May makikita kang hidden icon na walang name, buksan mo yun at icopy mo sa labas ung files mo.
5.) Delete nyo yung shortcut para hindi na makahawa.
FOR PC: (Hindi ko sure kung meron ba nito sa google, trial and error lang din ginawa ko sa pag hanap ng virus.)
1.) Punta sa task manager.
2.) Hahanapin natin yung name ng virus, kadalasan na pangalan ng virus: msiexec.exe, windowsupdate. (Twice ko ng naeencounter si msiexec.exe, kaya yan muna i-try nyo) NOTE: Pano mo malalaman kung iyon ang virus? I-end process ung msiexec.exe tapos hanap ka ng flash drive na walang virus tapos saksak mo, pag hindi naging shortcut, ibig sabihin ay tama yung na end mo.
3.) Windows+R tapos punta ka sa msconfig (Windows 7 below), o Task Manager/Start up tab (Windows 8 up.)
4.) Uncheck nyo ung virus, (Random name ulit, madalas windowsupdate). Kung hindi ka sigurado, uncheck mo yung hindi mo kilalang applications, baka mapigilan mo pa ung ibang virus sa pc.
5.) Okay na at hindi ka na kasama sa mga nagkakalat ng flash drive virus.
Optional: (Kung gusto nyo totally idelete ung msiexec.exe, kung ito yung virus na nasa Task Manager.)
1.) Punta kayo sa C:\Windows\System32, hanapin nyo yung msiexec.exe
2.) Try nyo i-delete, kapag hindi nyo madelete at nakasulat: wala kayong permission mula kay TrustedInstaller. (Etong trustedinstaller na to kasama to ng virus, sya ung owner ng msiexec.exe)
3.) Ililipat nyo lang yung ownership papunta sa inyo/administrator at pwede mo na to madelete.
Para hindi na mahawa ulit:
Off nyo yung autoplay sa lahat ng isasaksak nyong removable drives.Wag mag click ng shortcut. Sana makatulong, based on experience to at success naman sa pag tanggal ng shortcut virus ng hindi gumagamit ng ibang programs. Kung nakatagpo kayo ng iba pang name ng virus sa task manager, paki comment para sa lahat, at maiwasan ang pag rereformat ng PC. Maraming Salamat!